Ang pagpapalakas ng samahan ng mga empleyado sa opisina ay mahalaga sa
bawat kumpanya. Kaya naman puspusan ang paghahanap ng Human Resource Department
(HRD) ng mga Team-Building Activities na makapapahusay ng samahan sa opisina.
Maraming kumpanya ang madalas mag-Team Building. At kadalasan sila ay
nag-a-outing sa beach, o di kaya'y nagsasagawa ng sports fest. At kapag may
sports fest, kadalasan, ang ginagawa'y basketball, volleyball, badminton, o di
kaya'y track and field games. Masaya, at maganda ang resulta, dahil nabibigyan
ang mga empleyado ng panahon upang mag-relax at magsama-sama ng labas sa
trabaho.
Taon-taon ay naghahanap ng mga pakulo ang mga Human Resource
Department's (HRD) ng bawat kumpanya ng aktibidades na maaring ilunsad para sa
mga empleyado. Kailangang maging masaya at kung maari'y kakaiba, dahil kapag
paulit-ulit ay nagsasawa ang empleyado --- at minsa'y ayaw na ring dumalo.
LARONG PINOY, GINAWANG
TEAM-BUILDING ACTIVITY
Noong taong 2009, may mga kumpanyang naka-diskubre ng
"lumang" laro na matagal nang hindi nalalaro ng mga taong may edad
--- ang Larong Pinoy! Naisip ng mga HRD na subukang magsagawa ng Sports Fest na
gamit ang mga Larong Kalye para sa mga empleyado. Nadiskubre ng mga HRD ang
pangkat ng Magna Kultura Foundation (isang NGO) na nagsasagawa ng mga Larong
Pinoy bilang mini-Olympics, at ito ay sinubukan nila.
Sa pag-anunsyo ng HRD na Larong Pinoy ang susunod na Sports Fest ng
kanilang kumpanya, nakita nila ang mga bata at matandang empleyado na nabuhay
sa tuwa. Isang buwan pa bago maganap ang palaro ay excited na ang lahat; puno
ng sigla ang mga empleyado, nagmi-meeting at parang mga batang nagpa-practice.
Sa opisina pa lamang ay buhay-na-buhay ang pagba-bonding ng lahat.
Matagal nang naghahanap ang HRD ng ganitong klaseng pakulo --- ang
makapaglunsad ng pakulo na makakapag-Team Building at makakapag-palaro na
masaya.
At kung "challenging" na laro ang hanap ng mga empleyado, matinding aksyon at hamon ang kaharap nila sa Palarong Pinoy. Bawat laro ay kasing husay at minsa'y higit pa kaysa mga Western Olympic games. Hindi basta-bastang pambata ang mga laro: kailangan ng liksi, talas ng isip at "strategy" para manalo. Ang ginagawa ng mga empleyado ay humihirang sila ng Team Captains at Team Coach. Parang tutoong tournament!
At kung "challenging" na laro ang hanap ng mga empleyado, matinding aksyon at hamon ang kaharap nila sa Palarong Pinoy. Bawat laro ay kasing husay at minsa'y higit pa kaysa mga Western Olympic games. Hindi basta-bastang pambata ang mga laro: kailangan ng liksi, talas ng isip at "strategy" para manalo. Ang ginagawa ng mga empleyado ay humihirang sila ng Team Captains at Team Coach. Parang tutoong tournament!
Marami nang Pinoy ang muling nadidiskubre ang Larong Pinoy ---
patintero, tumbang preso, siyato, atbp. Mula
taong 2010 hanggang sa kasalukuyan, mahigit 500 nang lokal na kumpanya ang
nagsasagawa ng company sports fest na Larong Pinoy ang tema.
Piniling laruin ng empleyado ang mga larong kalye kapalit ng madalas nilang nilalarong basketbol, volleyball, at western sports. Mas marami ang nakakapaglaro! At kahit ang ibang taong hindi naglalaro (na nanunod lang) ay hagalpak sa tuwang nakikita ang kapuwa empleyadong naglalarong parang mga bata.
Piniling laruin ng empleyado ang mga larong kalye kapalit ng madalas nilang nilalarong basketbol, volleyball, at western sports. Mas marami ang nakakapaglaro! At kahit ang ibang taong hindi naglalaro (na nanunod lang) ay hagalpak sa tuwang nakikita ang kapuwa empleyadong naglalarong parang mga bata.
At maganda din ang nagiging epekto sa kumpanya Larong Pinoy Sports
Fest: nagiging Team Building, na nakakapagpalakas ng bonding ng bawat
empleyado. Gaya ng mga larong kalye nung kabataan nila, ang mga empleyadong
nakapaglaro ng Larong Pinoy ay nagiging parang "magkababata" ---
kaya't lumalakas ang samahan sa opisina. At yung mga empleyadong dating hindi
magkakilala ay nagkakabati-an na rin matapos palaro.
Marami nang kumpanya na ang nabibigyan Magna Kultura Foundation ng
Larong Pinoy. Marami sa kumpanya ang umuulit, lalo na ang mga bagong tatag na
kumpanya, dahil sa maikling panahon naidudulot nito ang magkaroon ng matibay na
pagsasama ang bawat empleyado. Kahit bagong kumpanya ay parang matagal na ang
pagsasama ng lahat --parang "magkababata" ang bawat isa.
BUHAY NA BUHAY ANG MGA LARONG
PINOY
Kahit sa panahon ng makabagong teknolohiya at modernisasyon, buhay-na-buhay
ang mga larong Pinoy. Dahil marami pa ring di nakakabili bg mg high-tech na
laruan at computer, nilalaro pa rin ito ng mga bata sa mga lungsod at
probinsiya. Kahit minsanang nagpupunta
sila sa mga internet shop, matapos maubos ang bente o kuwarenta pesos na
pang-computer, sa labas pa rin ang takbo ng mga bata para maki-paglaro sa
kapit-bahay.
Ngayong malaki na ang mga dating kabataan, at nagtatrabaho na sila sa
opisina; maganda’t nalalaro pa rin nila ang mga kilalang laro sa pagkabata. Napapatiling buhay ang tradisyon at diwang
makabayan. Iba na nga lang ang kanilang mga kalaro, at pare-pareho na silang
may edad. Pero nandoon pa rin ang saya ng
paglalaro.
Kahanga-hanga ang mga empleyadong na nakaka-isip na magbalik-tanaw sa
mga tradisyunal na laro, at ipamahaging muli ito sa kanilang mga ka-opisina
bilang palaro sa kanilang kumpaniya. Di lamang nila binubuhay ang mga laro,
kundi pinalalakas ang samahan ng bawat isa sa opisina na parang magkababata. Matapos
ang palaro, lalong nagiging masaya ang bawat isa.
________________________________________________
________________________________________________
FOR INQUIRIES:
CONTACT DICKIE AGUADO, Executive Director - MAGNA KULTURA FOUNDATION
Mobile: 0917-8990025
EMAIL: larongpinoy@gmail.com
WATCH THE PREVIEW OF THE LARONG PINOY GAMES
CORPORATE SPORTSFEST VIDEO PREVIEW
Games Featured on GMA 7 NEWS TV "24 ORAS"
FOR MORE DETAILS ABOUT THE PROGRAM, CLICK
& VIEW THE SPORTS FEST PLAN THE FOLLOWING SITES: At http://kulturapilipinas.webs.com/corporate-mini-olympics
TO VIEW SOME OF THE COMPANY SPORTS FEST PHOTOS,
preview them at http://kulturapilipinas.webs.com/apps/photos/album?albumid=14142715
____________________________
Organizing Larong Pinoy
Sports Fest for Private companies is a cultural entrepreneurship approach of
Magna Kultura to revive the games among Filipino adults; to build camaraderie
the Filipino way (kababata); at the same, for adult-parents to teach the games
among their children.
This is Magna Kultura
Foundation's advocacy to
revive the Games of Our
Heritage ("Laro ng Lahi")
back in the mainstream of
Philippine society.
Corporate Olympics, Sportsfest Organizer, Company
Olympics, sports fest organizer, Company Team-building, Sports
Organizer, Corporate Sports Fest, Company Sports Fest, Teambuilding
Sportsfest